top of page

PANITIKAN | Bakunawang Nakaupo

  • Writer: The Communicator
    The Communicator
  • May 1, 2023
  • 1 min read


Nagsikalasan ang tasa sa pagbagsak ay nalunod:

Sumigaw nang malakasan nang sala'y mangatwiran

Sinugod - sabay lumikas at iniwan ang bakod na may sindak

Magdamag inaliw na mga bakunawa hanggang sa mapagod ang sansinukob




Ang mga tasang binasag ngayon ay bumububog

Bakunawang umaray sa pagtapak may sumusugat

Nakakalat nang malawakan, umaasang mabuo,

Ang mga tasang pilit na binabasag ng bakunawang nakaupo.

Sa kasalukuyay'y masakit pa sa lalamunan,

Ngunit sa habang panahon, ang pagkabuhay ay ninanais masagot;

Nang may patunay at pagbubuklod, ay saka lamang makamit

Kapag nahalang ang bakunawa at nilamon ang bubog ng kapalaran nito.

Article: Carey Erwin Bayno

Graphics: Jeohan Samuel Aquino


Comments


  • White Facebook Icon
  • Twitter
  • Instagram

THE COMMUNICATOR OFFICE

2/F Lobby, College of Communication Bldg., NDC Compound, Anonas St., Sta. Mesa, Manila, Philippines 

PUP COC The Communicator © 2022

bottom of page