top of page

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก | ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ

Writer's picture: The CommunicatorThe Communicator

Mapanlinlang ang hindi tumutupad sa mga pangakong binibitawan.



Ang sambayanang Pilipino ay labis na tinamaan ng sobrang pagtaas ng mga bilihin, kung kaya't nahihirapan silang tustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Bilang tugon, matatandaang nangako ang gobyerno ng perang ayuda para sa 9.3 milyong Pilipinong kabilang sa 'poorest of the poor.'


Ang ikalawang round ng Targeted Cash Transfer program ng gobyerno ay binago kamakailan bilang 'inflation ayuda (aid)' dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon kay Asec. Romel Lopez, tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang gobyerno ay magbibigay ng โ‚ฑ1,000 grant sa loob ng dalawang buwan o โ‚ฑ500 kada buwan.


Ngunit ayon sa bagong pahayag ng DWSD, hindi pa ito posibleng maipamahagi dahil wala pang pondo at tiyak na disbursement guidelines para rito. Sumasalungat dito ang pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno noong nakaraang buwan na ang inflation ayuda ay ilalabas sa ilang araw at tukoy na ng ahensya kung saan kukuhanin ang pondo para rito.


Subalit, malinaw naman na ang pagbabahagi ng inflation ayuda ay hindi pa rin naisasakatuparan hanggang sa kasalukuyan. Bagay na nakadidismaya at kung iisipin ay isang pagkakanulo sa tiwala ng mga tao.


Dagdag pa rito, ang hindi pagkakatugma ng mga pahayag ng mga opisyal ng gobyerno ay malinaw na nangangahulugang may aberya sa pangakong ayudang ito. Kung sa una pa lang ay itinuturing na itong prayoridad, bibigyan ito ng sapat na atensyon at pag-aasikaso ng mga kinauukulan.


Ang kawalan ba ng prayoridad sa pamamahagi ng inflation ayuda ay dahil sa bahagyang pagdausdos ng inflation rate ng bansa sa 8.6 porsiyento noong Pebrero 2023 mula sa 8.7 porsiyento noong Enero 2023? Bumaba nga ang presyo ng ilang mga bilihin sa pagkain at enerhiya, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang ipagsawalang-bahala ang perang ayuda.


Hindi pa rin nanunumbalik ang mga bilihing swak sa kinikita ng isang karaniwang Pilipino at hindi pa nakakabangon ang ekonomiya dahil patuloy pa rin sa pamiminsala ang mataas na inflation rate. Kaya nararapat lamang na manindigan ang gobyerno sa kanilang pangakong binitawan.


Sa kabilang banda, inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na balak itaas ng Senado ang inflation assistance nito sa mga empleyado.


โ€œMula โ‚ฑ12,200, gagawin natin itong โ‚ฑ50,000 or your basic monthly salary, whichever is higher. Basta guaranteed na po ang โ‚ฑ50,000 dyan and you can expect this in August,โ€ ani Zubiri.


Mukhang ang pangakong ito para sa mga empleyado ng Senado ay mas madaling tuparin kumpara sa magulo at walang kasiguraduhang inflation ayuda. Bakit kapag ang pera ay para sa ikagiginhawa ng pamumuhay ng mga ordinaryong Pilipino, hirap ang gobyerno na maglabas ng pondo? Kararampot na nga lang na tulong, hindi pa maibigay nang maayos at walang antala.


Dapat ngayon ay naipamamahagi na ang pangakong ayuda sa mga mamamayan. Gayundin ay maiplantsa na ang disbursement guidelines na magsisilbing patnubay sa pagpili ng mga makatatanggap nito. Sapagkat marami na ang napapaisip kung maisasakatuparan pa ba ang programa dahil sa mabagal na pag-usad nito.


May saysay pa ba ang maniwala at umasa sa gobyernong hanggang pangako na lamang ang tinuturan?


Ang pagkaantala sa perang ayuda ay nagdaragdag lamang sa pagdurusa ng mga Pilipinong nangangailangan at pinangakuan ng agarang tulong mula sa hagupit ng mataas na implasyon.


Ang gobyerno ay kailangang kumilos nang mabilis at tuparin ang mga pangako nito sa mga mamamayan. Hindi katanggap-tanggap ang mga pangakong hindi nila kayang tuparin, lalo na kung buhay ng milyon-milyong Pilipino ang nakataya.


Kung patuloy na paaasahin ang sambayanang Pilipino sa wala, hindi malayong mangyari na mawala nang tuluyan ang tiwala nito sa pamahalaan. Lahat ng salitang manggagaling sa gobyerno ay magiging kasinungalingan na lamang para sa mga tao kung hindi mababago ang mabagal na pagtupad nito sa mga pangako.


Higit sa lahat, dapat tandaan ng lahat na hindi ang perang ayuda ang dapat na maging solusyon sa mataas na inflation rate ng bansa. Ito ay pamatay-sunog lamang. Kailangan pa ring tugunan ng pamahalaan ang pinakaugat na dahilan ng pagtaas ng implasyon. Gayundin ay sama-sama nating kalampagin ang gobyerno upang ipaalala ang kanilang mga binitawang pangako.


Artikulo: Rupert Liam G. Ladaga

Dibuho ni:ย Randzmar Longcop


2 views0 comments

เธ„เธงเธฒเธกเธ„เธดเธ”เน€เธซเน‡เธ™


bottom of page